Namamanhid na ang kamay sa lamig duot ng niebe, ngunit ang paslit na ito'y hindi mabitawan ang yelo dahil sa angkin nitong kaputian, minamasdan, pilit na pinaniniwalang masaya.
Ngunit ang kanyang kagandahan ay isang pagbabalat-kayo. Ang mapuputing butil na nagniningning ay isang pagkukubli ng tunay na pagkatao. isa lamang siyang nanigas na tubig, na dati'y umaagos tulad ng mga ulap na bumababa sa lupa, walang kulay.
Darating din ang tag-araw at lulunurin ang lamig ng init, unti-unting tutunawin ang yelo sa kamay, muling padadaluyin ang dugo sa mga kamay. ang paslit na ito'y muling sisigla, na parang nakalimutang ang mga kamay ay nalapnos sa pagkakahawak sa niebe ng kaytagal.
Ang tag-araw ay nalalapit na, isang linggo? isang buwan? malamang. At ang paslit na ito'y muli nang magiging Masaya.