Mag-aalas dose na ng gabi, pero di ako dalawin ng antok. Sa totoo, kanina e inaantok na ako, kaya lang ng matapos ko ang lahat ng ritwal ko bago matulog, nawalang bigla ang antok ko, di ko alam kung bakit.
Biglang pumasok sa aking isipan ang hinaharap. Ang hinaharap na walang kasiguraduhan.
Natagpuan ko ang sarili kong nakikipag-bargain sa Panginoon. Please Lord, bigyan mo naman ako ng pagkakataong maexperience ang magkaroon ng sariling pamilya. Pero parang pelikulang ibinabalik saking isipan ang mga kaganapan ng nakaraan. Kailangan ka ng pamilya mo, ika Nya.
Para bagang hinihiling nyang pagsilbihan ko ng buong buhay ko ang aking pamilya.
Hindi ko alam kung ano ang plano Mo sa aking hinaharap, sabi ko nga sa Iyo, tanggap ko na kung sakaling gayun ang plano Mo pero sana po, kung pwede ko namang pang ihabol, please po....
17 May 2010
11 May 2010
Looking Forward for a Brighter Philippines
Nakakatuwa ang mga kaganapan ngayon sa Pilipinas. Nakakatuwang matagumpay na nairaos ang halalan. Nakakatuwang mabilis na lumalabas ang resulta, at kahit medyo may aberya sa ibang lugar, pangkalahatan e naging matiwasay ang halalan.
Nakakatuwang isipin na madaling natanggap ng mga kandidatong natalo ang kanilang pagkatalo sa halalan. Sabi nga kanina sa news, dahil sa Automated Elections, mukhang natutunan din ng mga Pilipino ang salitang "concede".
Sana ay tuloy tuloy na ang pagbabago. Sana nga ito na ang panahong matagal na hinintay ng mga Pilipino. Sana nga ito na ang panahong hindi na mangangamba ang mga Pilipino sa kaguluhan, sa karahasan at sa kahirapan. Sana ito na ang simula ng magandang bukas. Sana.

Subscribe to:
Posts (Atom)