Higit isang linggo din nagpahinga ang aking macbook pro, kasi naman, di nya nakayanan ang pressure.
10November - nasira ang aking mac, di ko alam pano nangyari iyon. Inuupdate ko ang blog na ito ng biglang naghang-up, pinatay ko sya at di na bumukas ng muli.
11 November - itinawag ko sya sa apple center japan upang irequest na mapagawa, sinabi g customer service na kukunin nila sa aking bahay ng byernes ng gabi, 6-9pm
13November - dali dali akong umuwi sa bahay upang maabutan si manong delivery at ng makuha ang aking mac, sa kasamaang palad, saktong alas sais syadumating sa bahay, natural wala ako dun dahil alas sais ang labas sa opisina. Itinawag ko sa shipping company kung pwede nilang balikan, ang madugo nga lang, di sila marunong mag-english, at ako di naman marunong mag-japanese. Frustrated, tumawag ako sa apple ulit upang sila ang kumausap, huli na ang lahat, lagpas na daw sa working hour, bukas na lang ulit.
14November - Tuluyan nang kinuha si mac
16November - nakatanggap ako ng email mula sa apple na nagsasabing gawa na si mac at idedeliver na sa mga oras na iyon, isa nanamang problema, di nanaman kami nagpang-abot ng delivery, paano ba naman 11:02 am nya dinala. itinawag ko sa apple at tangin marerecommend nila ay sa weekend
21November (Ngayon) - bago mag-alas diyes ay muling nakabalik si mac. Buti na lang at pinilit ni manong delivery ang mag-english, nagkaintindihan kami.
haay, salamat apple sa napakabilis na serbisyo.
No comments:
Post a Comment