13 February 2010

Quick Notes

Matagal-tagal na din pala akong hindi nakakapagpost dito. Di na kasi ako makakacompose ng mahaba-habang post, ehehe. kaya eto na lang muna. Quick words for a quick post:


  • I am worried about my maternal grandmother's health. Balita ko sa mga kapatid ko, di na sya nakain ng maayos. hinahanap na din daw ako, di sya siguro makapaniwala na sa computer lang nila ako nakikita. Wala syang known illness. Siguro katandaan na lang talaga ito. Magna-90 na sya sa May. Please help me in praying for her health.
  • Nababahala din ako sa sitwasyon ng Pinas ngayon. Parang walang matinong kumakandidato. Minsan naisip ko, may patutunguhan pa ba tayo, o kailangan na din talaga nating maghanap ng ibang bansang malilipatan.
  • Speaking of Pinas, nakakatakot din ang banta ng El Nino dyan. Kung dito sa Japan e nag-uuulan, dyan naman pala ay unti-unti na nauubos ang tubig, sana naman di sya lumala.
  • Bumibigat na ang aking timbang, ang latest kong timbang (nung wednesday) 53 kilos, kumpara sa dating 47 kilos. Opo, kulang pa rin iyan, pero at least improving.
  • Balemtayms na pala bukas, Kung Hei Fat Choi din. Double celebration, e ano naman ngayon? ehehe....
  • Minsan naatanong ko sa sarili ko, kasalanan ko ba na naging masipag ang mga ninuno at magulang ko at hindi ko naranasang magswimming sa ilog ng basura at magpasko sa kalsada? At lahat ba ng hindi galing sa hirap e hindi kaisa ng mahihirap?

No comments: