Lola is gone.
Around 2 pm today, her burdens finally left her. She went home to her true home - The paradise of everlasting joy.
The saddest part is, I am here far away. Paano ako uuwi? makakauwi pa ba ako?
Wednesday when my sisters and mama told me that lola is dying. Itinago nila sa akin, isang linggo na pala syang nasa ospital. Hinahanap daw ako. Tinatawag nyang Amboy yung isang nurse na nag-aalaga sa kanya sa ospital. Kaya naman napagpasyahan na din nila na ipakita sya sa akin. Buti na lang ang teknolohiya ngayon, salamat skype.
Maraming memories ang naiwan ng lola sa amin. Sya ang nag-alaga sa aming lahat anim na magkakapatid.
Nagtrabaho sya ng maaga, huminto sa pag-aaral para makatulong sa mga kapatid nya. Grade 2 lang ang natapos nya kaya naman di sya marunong magsulat at magbasa, Pangalan lang nya at mga numbers ang kaya nyang isulat.
Palagi nyang ipinagmamalaki ang "peace time". Palagi nyang ipinagmamayabang na sya ay pamangkin ni Luis Taruc. At kung paano sila nabuhay sa nilagang kamote nuong panahon ng gyera.
Sa tuwing aalis kami, di pwedeng wala syang baong basang tuwalya. para nga naman kapag naglagkit kami sa mga kinakain namin e madali nyang mahihilamusan ang mga bibig at kamay namin. At sa tuwing makakabenta sya ng mga paninda nya, mag-uuwi sya samin ng super mario brothers na chichirya o kaya ng tacitos.
Tuwing byernes, dinadala nya kami sa Quiapo habang nakabihis ng pulang damit at taling dilaw sa bewang.
Di ko makakalimutan na kahit gaano ako katakot sa lindol o sa paputok sa labas, mahimbing akong nakakatulog basta yakap nya ako. At sa tuwing may sakit ako, sumisiksik ako sa kama nya para dun matulog.
Wala na akong sasabihan sa tuwing tatanungin ako kung sino ako ng "Ang pinaka-gwapo mong apo!".
Wala na ang lola.
No comments:
Post a Comment