Sa tuwing magkakaroon ng mga pagtitipon ng mga kamag-anak - birthday party, kasalan, lamay, family reunion - lagi ko na lang naririnig ang mga katanungang kahit ako'y hindi ko masagot. Kelan ka ikakasal? Kelan mo ipakikilala ang nobya mo? Kelan kami makakatikim ng mainit na sabaw?
Ewan ko. Hindi ko alam. Ako man ay nananabik sa mga araw na iyon.
Minsan, dinaraan na lang nila sa biro, minsan ako naman ang nagbibiro.
Sa pagiging unico hijo at pagiging "pinakamabait" (sabi nila yun, walang kokontra) at "pinakamayaman" (akala lang nila yun) sa pamilya, talaga namang masasabing ako ang kanilang apple of the eye. Kaya naman, di kataka-takang maging sentro ako ng usapan. Ang pangit nga lang, ay sa iisang topic lang umiikot ang usapan. At sa ayaw nila't hindi, iisa lang din ang aking sagot - ang paulit-ulit na "wala pa e!".
Darating pa ang maraming reunion at darating pa rin ang maraming katanungan at hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Sana lamang, di sila mainip, pati na rin ako.
No comments:
Post a Comment