Kanina, pagbukas ko ng akin Lotus Notes, unang bumungad sakin ang e-mail na nagsasabing "iedit ng kaunti" ang aking article para sa aming department news letter. Sa aking laking gulat, hindi kaunting edit langa ng ginawa. Namumutaktak ang kulay pula na animo'y wala namang ibang kulay na available kundi pula. Wala na akong makitang bahid ng orihinal kong sulat. Kailangan pa kayang ilagay ang pangalan ko sa ilalim ng title? Sa tingin hindi na, at mukhang mas gugustuhin ko pang wag nang isulat ang pangalan ko.
Di ko sinasabing magaling akong magsulat. Alam kong hindi ako magaling. Pero sa tingin ko ay alam ko ang pinagkaiba ng news writing sa article writing.
Ayoko din ng istilo ng pagsusulat na naganap, ang lumalabas e sandamukal na club mwah ang nagtulong tulong na sumulat nung artikulong iyon.
Pero di iyon ang katangahang sinasabi ng aking titulo sa post na ito. Ang sarili kong katangahan sa trabaho. Ngayon ay namomroblema sila Vernard at kuya Russell dahil sa katangahang ginawa ko para sa isang project. Careless mistake na nanganak ng nanganak. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat at masolusyunan nila itong kamaliang nangyari. Pasensya na ulit kuya Russell at Vernard.
Teka nga, bakit ko ba pinagsama sa iisang post ito?
2 comments:
kalimutan mo na yun roms. lahat nagkakamali. bawi tayo nekstaym. ingat ka dyan! pataba ka. kain palagi sa jiro. hehehe!
Salamat Kuya Russell.
Sobra lang po akong nag-alala kasi paniguradong kayo ang nasabon.
Post a Comment