03 April 2010

Money Talk

To tell you frankly, I was deeply offended when I heard the news.

My mama told me awhile ago during a video call that the cousins of my father are asking my youngest sister where did we get the money for the hospitalization, wake and burial of my maternal grandmother.

Opo, di na kami mayaman, pero ano ngayon? Kaya nga ako nagtatrabaho diba? Pati ang mama at mga kapatid ko?

Di ko kailangang mangutang sa inyo. Meron akong pera.

At opo, maraming nagmamahal sa lola ko. Sa dami ng mga kamag-anak na tinulungan ng pamilya ko, sa poder ng mama, lalong higit sa poder ng papa, di katataka na marami ang tumulong.

Noong panahong maunlad ang kabuhayan naming pamilya, di naman kami nagdamot diba? At alam kong isa kayo sa mga nakinabang sa amin. Di po ako nanunumbat, nagsasabi lang ako ng nararamdaman ko. Nakaka-offend po kasi. Maari din namang hindi ganun ang intensyon nyo, sana lang e di nyo na lang tinanong.

22 March 2010

Technology Binds Us Together

The recent passing away of my maternal grandmother proved me that no matter the distance maybe, the heart of of a family never fails to seek ways.

It was a long weekend here in Japan. I cancelled all my schedule (saturday: premium philippine fiesta, sunday: SFC teaching and Curry Rice Patrol, Monday: Prases ASS (as in Prases Adventure Sa Sea) coined by kuya Marius) to always be here at home, online so that my family can call me anytime.

Online Burol. That is where I am right now. My family didn't want me to go home for lola's wake so the next best thing that I can do is to be there virtually. Thanks to Skype.

Somehow, I manage to be updated on what is happening back home. Somehow, I am present at this latest family reunion. Reunions that only happen when someone passes away.

I had my farewell to lola using Skype when she was already battling death at the hospital. And now I am bidding her goodbye, while her physical remains lie a time zone away, using this virtual bridge.

Thank God for the technology. Thank God for the Engineers and Technologists who invented these. Thank God I never missed Lola's wake. But surely, I will miss my Lola Luring.

19 March 2010

Lola is gone

Lola is gone.

Around 2 pm today, her burdens finally left her. She went home to her true home - The paradise of everlasting joy.

The saddest part is, I am here far away. Paano ako uuwi? makakauwi pa ba ako?

Wednesday when my sisters and mama told me that lola is dying. Itinago nila sa akin, isang linggo na pala syang nasa ospital. Hinahanap daw ako. Tinatawag nyang Amboy yung isang nurse na nag-aalaga sa kanya sa ospital. Kaya naman napagpasyahan na din nila na ipakita sya sa akin. Buti na lang ang teknolohiya ngayon, salamat skype.

Maraming memories ang naiwan ng lola sa amin. Sya ang nag-alaga sa aming lahat anim na magkakapatid.

Nagtrabaho sya ng maaga, huminto sa pag-aaral para makatulong sa mga kapatid nya. Grade 2 lang ang natapos nya kaya naman di sya marunong magsulat at magbasa, Pangalan lang nya at mga numbers ang kaya nyang isulat.

Palagi nyang ipinagmamalaki ang "peace time". Palagi nyang ipinagmamayabang na sya ay pamangkin ni Luis Taruc. At kung paano sila nabuhay sa nilagang kamote nuong panahon ng gyera.

Sa tuwing aalis kami, di pwedeng wala syang baong basang tuwalya. para nga naman kapag naglagkit kami sa mga kinakain namin e madali nyang mahihilamusan ang mga bibig at kamay namin. At sa tuwing makakabenta sya ng mga paninda nya, mag-uuwi sya samin ng super mario brothers na chichirya o kaya ng tacitos.

Tuwing byernes, dinadala nya kami sa Quiapo habang nakabihis ng pulang damit at taling dilaw sa bewang.

Di ko makakalimutan na kahit gaano ako katakot sa lindol o sa paputok sa labas, mahimbing akong nakakatulog basta yakap nya ako. At sa tuwing may sakit ako, sumisiksik ako sa kama nya para dun matulog.

Wala na akong sasabihan sa tuwing tatanungin ako kung sino ako ng "Ang pinaka-gwapo mong apo!".

Wala na ang lola.

06 March 2010

Lego: The Ultimate Toy of a Nerdie Geekie Introvert

I just got my very first lego after so many years (I own one when I was 7, and that's it). Nagi-guilty pa rin ako at napabili ako nito, pero sana e sulit naman at di agad mapagsawaan. I'll try to build the first truck later.





13 February 2010

Quick Notes

Matagal-tagal na din pala akong hindi nakakapagpost dito. Di na kasi ako makakacompose ng mahaba-habang post, ehehe. kaya eto na lang muna. Quick words for a quick post:


  • I am worried about my maternal grandmother's health. Balita ko sa mga kapatid ko, di na sya nakain ng maayos. hinahanap na din daw ako, di sya siguro makapaniwala na sa computer lang nila ako nakikita. Wala syang known illness. Siguro katandaan na lang talaga ito. Magna-90 na sya sa May. Please help me in praying for her health.
  • Nababahala din ako sa sitwasyon ng Pinas ngayon. Parang walang matinong kumakandidato. Minsan naisip ko, may patutunguhan pa ba tayo, o kailangan na din talaga nating maghanap ng ibang bansang malilipatan.
  • Speaking of Pinas, nakakatakot din ang banta ng El Nino dyan. Kung dito sa Japan e nag-uuulan, dyan naman pala ay unti-unti na nauubos ang tubig, sana naman di sya lumala.
  • Bumibigat na ang aking timbang, ang latest kong timbang (nung wednesday) 53 kilos, kumpara sa dating 47 kilos. Opo, kulang pa rin iyan, pero at least improving.
  • Balemtayms na pala bukas, Kung Hei Fat Choi din. Double celebration, e ano naman ngayon? ehehe....
  • Minsan naatanong ko sa sarili ko, kasalanan ko ba na naging masipag ang mga ninuno at magulang ko at hindi ko naranasang magswimming sa ilog ng basura at magpasko sa kalsada? At lahat ba ng hindi galing sa hirap e hindi kaisa ng mahihirap?