22 March 2010

Technology Binds Us Together

The recent passing away of my maternal grandmother proved me that no matter the distance maybe, the heart of of a family never fails to seek ways.

It was a long weekend here in Japan. I cancelled all my schedule (saturday: premium philippine fiesta, sunday: SFC teaching and Curry Rice Patrol, Monday: Prases ASS (as in Prases Adventure Sa Sea) coined by kuya Marius) to always be here at home, online so that my family can call me anytime.

Online Burol. That is where I am right now. My family didn't want me to go home for lola's wake so the next best thing that I can do is to be there virtually. Thanks to Skype.

Somehow, I manage to be updated on what is happening back home. Somehow, I am present at this latest family reunion. Reunions that only happen when someone passes away.

I had my farewell to lola using Skype when she was already battling death at the hospital. And now I am bidding her goodbye, while her physical remains lie a time zone away, using this virtual bridge.

Thank God for the technology. Thank God for the Engineers and Technologists who invented these. Thank God I never missed Lola's wake. But surely, I will miss my Lola Luring.

19 March 2010

Lola is gone

Lola is gone.

Around 2 pm today, her burdens finally left her. She went home to her true home - The paradise of everlasting joy.

The saddest part is, I am here far away. Paano ako uuwi? makakauwi pa ba ako?

Wednesday when my sisters and mama told me that lola is dying. Itinago nila sa akin, isang linggo na pala syang nasa ospital. Hinahanap daw ako. Tinatawag nyang Amboy yung isang nurse na nag-aalaga sa kanya sa ospital. Kaya naman napagpasyahan na din nila na ipakita sya sa akin. Buti na lang ang teknolohiya ngayon, salamat skype.

Maraming memories ang naiwan ng lola sa amin. Sya ang nag-alaga sa aming lahat anim na magkakapatid.

Nagtrabaho sya ng maaga, huminto sa pag-aaral para makatulong sa mga kapatid nya. Grade 2 lang ang natapos nya kaya naman di sya marunong magsulat at magbasa, Pangalan lang nya at mga numbers ang kaya nyang isulat.

Palagi nyang ipinagmamalaki ang "peace time". Palagi nyang ipinagmamayabang na sya ay pamangkin ni Luis Taruc. At kung paano sila nabuhay sa nilagang kamote nuong panahon ng gyera.

Sa tuwing aalis kami, di pwedeng wala syang baong basang tuwalya. para nga naman kapag naglagkit kami sa mga kinakain namin e madali nyang mahihilamusan ang mga bibig at kamay namin. At sa tuwing makakabenta sya ng mga paninda nya, mag-uuwi sya samin ng super mario brothers na chichirya o kaya ng tacitos.

Tuwing byernes, dinadala nya kami sa Quiapo habang nakabihis ng pulang damit at taling dilaw sa bewang.

Di ko makakalimutan na kahit gaano ako katakot sa lindol o sa paputok sa labas, mahimbing akong nakakatulog basta yakap nya ako. At sa tuwing may sakit ako, sumisiksik ako sa kama nya para dun matulog.

Wala na akong sasabihan sa tuwing tatanungin ako kung sino ako ng "Ang pinaka-gwapo mong apo!".

Wala na ang lola.

06 March 2010

Lego: The Ultimate Toy of a Nerdie Geekie Introvert

I just got my very first lego after so many years (I own one when I was 7, and that's it). Nagi-guilty pa rin ako at napabili ako nito, pero sana e sulit naman at di agad mapagsawaan. I'll try to build the first truck later.