17 December 2009

Bad Trip

Bad trip.


Kagagaling lang namin ng Jiro. Tiniis ang lamig sa mahabang pila makakain lang sa pinakamasarap na "maruming kainan" sa balat ng lupa. Pero hindi iyon ang nakakabad trip. Bad trip na kasama ang madaldal at nuknukan ng yabang na dagang nagpipilit na sya'y isang leon.


Palagi na lang syang ganyan, nasisira ang araw ko sa unang sulyap pa lamang sa kanyang "napaka-among" mukha. (ok, sarcastic ako, decode mo na lang).


Tiniis ko ang makasama sya ng ilang oras para lang muling matikman ang kakaibang lasa ng pansit na ito, sabi ko naman, ok lang yan, madami naman kami, matatabunan naman sya siguro.


Pero anak ng butete (oo, mukha nga syang butete!), ano bang meron tong taong ito at sadyang lumulutang (salbabida?).


Nakakainis, nakakasar. Di ko mapigilan ang sarili kong maging masama sa tuwing nakikita ko sya.


Ang tabil ng dila mo, wala ka namang masabi kundi kayabangan. Ipakita mo ang yabang mo, wag puro dada.


PS:
Lord, pasensya na, di ko po talaga mapigilan!

No comments: